Kumulo ang dugo ni Pokwang nang idawit ng mga anti-ABS CBN ang
kanyang bunsong anak na si Malia, sa pagtatanggol niya sa nasabing
network.

Tinawag na ‘mongoloid’ ang anak ni Pokwang ng isang fan.
Kaya tinawag din niya na ‘Kampon ni Satanas’ ang fan na `yon na nanlait
sa kanyang anak.

Ipinapalagay ni Pokwang na troll ang namintas sa kanyang anak dahil ang mga ito lang naman ang nagmbubuwisit sa kanilang paninindigan na ibalik sa ere ng kanilang network.

Kinonsensiya ni Pokwang ang basher, na sana raw ay napakain nito nang
maayos at masarap ang anak nito mula sa panga-alipusta sa kanyang anak.

Ilan lang si Pokwang sa maraming paboritong atakehin at galitin ng mga
anti-Kapamilya mula nang maglabas ng saloobin ang mga ito sa kanilang
socmed account para tutulan ang pagpapasara ng istasyon.