KINASUHAN ng TV host-actor na si Arnell
Ignacio ang singer-comedienne na si Mystica dahil sa pambabastos at
panglalait nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaninang umaga, personal na nagtungo si
Arnell sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite para pormal na
magsampa ng demanda laban sa tinaguriang Split Queen.

Ayon sa veteran comedian, nalaman niyang taga-General Trias, Cavite, si Mystica kaya sa Imus City siya nagsampa ng mga kaso laban dito.