NAGKAROON pala ng matinding away noon ang
magkaibigang Baron Geisler at Paolo Contis na naging dahilan din kung
bakit super close sila ngayon.

Ito ang inamin ng dalawa nang muli silang
magkaharap at magkakuwentuhan sa pilot episode ng “Just In: An Online
Kumustahan with your Favorite TV Personalities”, ang bagong online talk
show ni Paolo sa GMA social media accounts.

Ayon kay Paolo, bata pa lang sila ay talagang magkaibigan na sila na nagsimula nga sa youth oriented show ng ABS-CBN noon na Tabing Ilog.