Quiboly took offense at the gay TV
host-comedian’s joke noong hamunin niyang ipatigil din ng religious
leader ang matinding traffic sa EDSA matapos nitong pahintuin ang lindol
sa Mindanao several months ago.

Vice Ganda went as far as picking on
ABS-CBN’s FPJ’s Ang Probinsyano kung may kakayahan din si Quiboloy na
ipatigil ito. Natatawa pang sinabihan ng comedian ng “napakayabang” ang
pastor.

Sa shutdown nga ng ABS-CBN ay tila ipinagbubunyi ito ng pastor short of saying that he was right all along.

Dininig na raw ang mga gustong mangyari
ni Vice kaya bakit daw umiiyak ito ngayon — dapat daw ay tumatawa siya
kasama ng mga co-host niya sa kanilang noontime show kung saan niya
ginawa ang paghamon.

Diyos na raw ang siyang nanaig laban sa ipinamalas na kayabangan ni Vice Ganda.

“Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?

“Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo
ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Nag-prophesize
ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo.
Malinis na ang EDSA. Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon
na ginawa mo.”

“Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa ‘yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka. O, bakit hindi kayo humahalakhak?” ang pahayag ni Quiboloy.