Sunod-sunod ang pagbabahagi ng mga Kapamilya star ng kanilang litrato
kung saan naka-pose sila na nakalagay ang kanang kamao sa kanilang
dibdib bilang pagkakaisa sa online protest kaugnay sa pagsasara ng
ABS-CBN.

Maski ang iba pang mga empleyado ng naturang kompanya ay hindi nagpahuling magbahagi ng kanilang entry.

Isa naman sa hindi rin nagpahuling magbahagi ng kanyang entry ay ang public figure na si Marlou Arizala o Xander Ford ngayon.

Nang mag-post naman ang naturang personalidad, hindi ito nakaligtas sa panlalait ng mga netizen, na kesyo sinusuka raw ito ng ABS-CBN at kung ano-ano pang matatalim na pananalita.

Karamihan pa nga ng reaksyon ng mga netizen ay “Hala! Kasali ka ba?”

Dahil dito, agad umapela ang naturang personalidad at ipinaliwag ang kanyang panig.

“Oo Hindi man ako kasali or kasali ako, karapatan kong ipaglaban ang bagay
or sino mang nagpapasaya sa akin. Tulad nyo may mga bagay na nawala sa
inyo na dapat nyong ipaglaban, hindi na ito pagitan sa issue ng nakaraan
ko pero ang @abscbn ang naging pamilya ko humigit kumolang 5 taon,
niyakap ako sa kung ano ako katulad ng isang magulang napaparusahan
dahil nakakagawa ng mali at hindi maganda sa kapwa,” sambit ni Xander.

May ilan din naman na nagtanggol sa kanya, ngunit tila mas dominante talaga ang mga namba-bash.