Hindi pakakabog si Korina Sanchez sa pakikipagtalakan, bakbakan sa
mga basher, kaugnay sa pagpapasara sa ABS-CBN 2. Ilan sa mga Twitter
user ang nagposte ng pakikipagtarayan ni Korina sa mga basher.

May isang netizen ang nagbanggit ng pangalan ng asawa niyang si Mar Roxas
na kasama raw na nangulimbat sa pondo para sa Yolanda. At niresbakan nga
ito ni Korina:

“@lovemaddy88 Naga-aral ka ba ha? So naiintindihan mo ang lahat na resulta ng inquiry na walang kinalaman si Mar sa Yolanda funds? Or bingi at bulag ka? Tanungin mo si Ping Lacson ano nangyari sa pondo.”

Ang tungkol naman sa 11K na empleyado ang pinunto ng isa pang netizen
at sinabing ginagamit lang ng Kapamilya network ang mga ito sa isyu ng
shutdown, gayong hindi naman daw inasikaso ng istasyon ang dapat sana ay
pagri-renew ng franchise nila.

Sago ni Korina: “@applefye00, OH PUHLEEEEZ employee ka?”

Pati kay Jessica Soho ay kinumpara ng basher si Korina na hindi raw nito
maabot ang achievement ng nasabing Kapuso News & Public affairs
host, dahil sa pagiging bias ng huli. Dito ay bumanat ng talak si
Korina.

“@allaboutkatelynn, so what are you doing in my page?
Secret fan? Couldn’t help yourself? Pahiram ko sayo mga trophy ko sabit
mo sa leeg mo para makuba ka? Halika.”