Tinanong namin kung kumusta na ang buhay may-asawa at kung ano pa ang mga nadiskubre niya sa misis niyang si Sarah Geronimo simula nu’ng nagsama sila sa iisang bubong.

Tumawa muna ang aktor, “Marami, marami
po, but I think every single day is a blessing and every single day is,
I’m so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now is
like a dream, very thankful.”

Marunong na bang magluto si Sarah at ipinagluluto na ba siya? Tinuruan ba niya si misis since marunong din siyang mangusina?

“Mix, eh (tumawa), take turns. Siyempre naman (marunong na magluto ang singer-actress), kaming dalawa, everyday we learn from each other and everyday we’re learning,” tugon ng aktor.