ANG tindi rin ng mga bashers ng Kapamilya comedienne na si Pokwang! Talagang tuloy ang panglalait ng netizens sa kanyang itsura.

Pero hindi rin naman nagpapatalbog si
Pokey sa kanila dahil pinapatulan din niya ang mga ito, lalo na yung mga
trolls na tumitira sa pisikal niyang anyo.

Tulad na lang kahapon, muling binanatan
ng netizens si Pokwang matapos magpahayag ng pagkadismaya sa pahayag ng
gobyerno na hindi pa handa ang bansa para magkaroon ng COVID-19 mass
testing.

Post ni Pokwang sa kanyang Twitter account, “Totoo po ba walang magaganap na mass testing?? as in WALAAA???

“So kami na po bahala sa buhay namin ganeerrnn??? matira matibay nalang talaga?

“Salamat po sa pagmamahal ha…. wooooo
sana 2022 na!!! sarap na bumoto ulit!!!” ang tila pagbabanta pa ng
komedyana sa mga tatakbo uling politiko sa susunod na eleksyon.

Dahil dito, na-bash uli siya nang bonggang-bongga at pati ang kanyang itsura ay nilait ng mga ito. Talagang tinawag siyang chaka, boba, epal at kung anu-ano pang masasakit na salita.