NABASTUSAN ang mga manonood at ang netizens sa ginawa ni Sen. Dick Gordon sa Kapuso news anchor na si Connie Sison.

Binara-bara ng senador si Connie sa
panayam nito kanina sa “Unang Balita” ng Unang Hirit tungkol sa
isinasagawang COVID-19 PCR (polymerase chain reaction) test sa mga
nag-uwiang OFW.

Ang Philippine Red Cross na pinamumunuan ni Sen. Gordon ang in-accredit ng DOH para sa swab test ng mga OFW na kailangan nilang pagdaanan bago makauwi sa kani-kanilang tahanan, lalo na ang mga taga-probinsya.