RUMESBAK si Vice Ganda sa isang
kongresista na gumamit sa pang-ookray niya kay Pastor Apollo Quiboloy sa
naganap na hearing kahapon para sa ABS-CBN franchise renewal.

Hindi pinalampas ng TV host-comedian ang
paandar ni Deputy Speaker at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa
naganap na congressional hearing para sa pagbibigay ng bagong prangkisa
sa Kapamilya Network.

Isa ang kongresista sa mga kumontra sa franchise renewal ng network at para ipakita ang kanyang punto sa usapin nag-playback siya ng video ni Vice kung saan pinagtawanan at ginawang joke ang sinabi ni Quiboloy na siya ang nagpatigil ng lindol noon sa Mindanao.