BARAG na barag ang kapatid ni Megan Young na si Lauren Young sa mga fans ng internet sensation na si DJ Loonyo.

Galit na galit ang mga ito sa pambabasag at pang-ookray ni Lauren sa viral DJ dahil sa kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa paggamit ng face mask.

Napanood kasi ng aktres ang kumalat na video ni DJ Loonyo kung saan itinanong niya kung ligtas ba talaga ang matagal na pagsusuot ng ordinary face mask ngayong may community quarantine pa rin sa bansa.

“Itong mask na ‘to, ang daming tanong sa utak ko, like, ano ba talaga yung tamang gawin? Walang makakasagot. Ikaw lang talaga.

“Pero sang-ayon ako dun na the more you wear the mask, na nakaganun parati (pagtakip sa mukha)…kumbaga, parang ini-inhale mo yung sarili mong utot.

“Kaya mo nga nilalabas yun, e, kaya mo nga nilalabas yun kasi hindi kailangan ng katawan mo yun,” aniya pa.

Patuloy ng dancer-choreographer, “Kailangan mo ng oxygen. Ngayon, yung ini-inhale mo yung parang ano, yung poison… ang ini-inhale mo sa katawan mo, it makes your immune system weak.
“We’re not against the mask. We are saying sa haba ng panahon na kaka-wear mo nang kaka-wear, kakasuot mo ng mask, ini-inhale mo yung sarili mong utot.

“So if I were you, kumbaga, parang ano… ibababa mo siya or ipapahinga mo yung sarili mo, um-inhale ka nang tama,” diin pa ng DJ.

Mabilis itong nag-viral kaya naman matinding pamba-bash ang inabot niya mula sa madlang pipol. Nagpapakalat daw kasi siya ng maling impormasyon, dapat daw ay hindi na siya nagsasalita kung hindi naman siya sure sa mga sinasabi niya o walang konkretong basehan.

Isa nga ang aktres na si Lauren Young sa mga celebrities na bumatikos sa DJ at talagang binasag niya nang bonggang-bongga ang binata.

Tweet ng aktres, “Omg I just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flat earther ka rin ba koyah??” 
Hirit pa niya, “I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it? Mapakita lang yung big dick energy. Like LOOK AT ME I’M SMART.”

Siyempre, todo tanggol naman ang fans kay DJ Loonyo at binanatan din si Lauren na minarkahan nila bilang “Basher ni DJ Loonyo”. 

Resbak naman sa kanila ng dalaga, “WAAAH GONNA CRY MYSELF TO SLEEP IM SO SCARED OMG MY CAREER IS OVER OMG WHO AM I OH NOOOOO!”

Sinagot din niya ang mga nagsaaabing feeling intelligent lang siya at pa-relevant, “Ano nga ba ang sukat mo ng talino? There are difference way to be smart.

“I for one is smart in the sense that I am responsible with the information I release and take the time to actually research and understand things before giving my opinion. You wanna go? Lets go.”
Hindi na sinagot pa ng aktres ang iba pang pamba-bash sa kanya ng supporters ng DJ, sa halip ipinaalala niya sa lahat na marami pang mas mahahalagang issue sa bansa ang dapat pagtuunan ng pansin.

 “Now friends, lets stop stroking a mans ego and get back to more pressing matters.
“Nasan na po ang mass testing? Have you emailed your Rep? More transportation!!!! #MassTestingNowPH #JUNKTERRORBILLNOW,” tweet ni Lauren.