Bigla ngang dumating si Coco Martin sa Senado nitong Martes ng hapon. Marami nga ang nagulat sa biglang pagdating ni Coco, aka Cardo Dalisay sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Well, siyempre pa ay binisita ni Coco si Senador Lito Lapid, na nakasama nga niya nang matagal sa Ang Probinsynao bilang si Pinuno.

Ito nga ang unang pagkakataon na dinalaw ni Coco si Sen. Lapit sa Senado mula noong manalo ito sa 2019 senatorial elections.

Pero, ano nga ba ang intensiyon ng pagdalaw ni Coco kay Sen. Lapid? Para makipagtsikahan lang ba? O baka para magpaalam na rin sa muling pagbabalik ng Ang Probinsyano.

Wala naman sigurong balak si Cardo Dalisay na buhayin ang karakter ulit ni Sen. Lapid, di ba? Eh, ngayon pa ba mangyayari `yon, samantalang busy na nga ang senador sa Senado.

O baka naman gusto lang magpatulong o magpasaklolo ni Coco kay Sen. Lapid dahil sa kinasasangkutan nitong gulo dulot nga nang pagkaka-shutdown ng ABS-CBN, ha!