Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Ryza na magiging mommy na rin siya at kino-consider niyang isang napakalaking blessing ito sa kanyang buhay sa kabila ng mga kanegahang nangyayari sa mundo.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. #prayeranswered #Godsgift #newjourney,” caption ni Ryza sa kanyang IG post.

Ayon pa sa aktres, ang tatay ng kanyang panganay ay si Miguel Cruz, na isang director of photography.
Ibinalita rin ni Ryza na nakumpirma niyang buntis siya noong April sa pamamagitan ng pregnancy test.

“Pregnant po ako, 20 weeks na po. Bale nag-start po siya ng February pero hindi ko pa po alam kasi noong Feb po nag-aano pa ako, e, may action project pa akong ginagawa no’n.

“Yung Bella Bandida and then ’yong dalawang movies po. Hanggang sa naabutan na kami ng lockdown,” kuwento ng aktres sa isang panayam.

Nakatakdang manganak si Ryza sa November at baby boy ang kanyang magiging panganay.