Isang rider na nag-deliver ng dalawang bike sa kanyang customer ang biglang kinansel ang order dahil daw sa may gasgas.

Nakarating na ang rider sa bahay ng kanyang Customer, galing ang rider sa Rizal dala ang order ng kanyang customer na dalawang bike na nagkakahalaga ng 12,000Php.

Pagdating nya sa lugar ng kanyang customer ay hindi tinanggap at cancel na lang daw ang order.

Napaiyak na lang ang rider dahil ang layo na ng byinahe nya mula Rizal hanggang Valenzuela.

Ang masakit doon ay pinaluwalan nya ang pagbili sa bisekleta, doon lang daw umaasa ang kaniyang pamilya.

Tiniis nya ang layo at init ng byahe, kahit may pandemya nagtyaga sya dahil sya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Malaki ang hirap na pinagdadaanan ng mga rider, sinusuong nila ang sarili nila sa kumakalat na pandemya at init ng araw madala lang ang order ng kanilang customer. Tapos ganun lang kadali na i-cancel ang order.