Isang Food Rider ang nanlumo dahil peke pala ang pangalan ng customer na ibinigay sa kanya at kinansela ang order na nagkakahalaga ng 5,800Php.

Nanlumo ang Food Rider na ito ng makarating sya sa address na binigay sa kanya ng kanyang customer sa isang apartment ngunit napag-alaman nyang wala pang Jane Castro ang nakatira sa address na iyon.



Bigla pang kinansela ang order at hindi na din macontact ang Customer na nag-order sa kanya.

Kaya lubos na nanghinayang si Bernard dahil malaking pera ang kanyang ipinaluwal sa naturang pagkain, kaya humingi sya ng tulong sa kanyang mga kaibigan para kahit papaano ay maibalik ang kanyang paluwal.

Wag naman sana nating lokohin ang mga Food Riders dahil pinaghihirapan nila ang perang pinapaluwal nila.