WAS it a case of damn if you do, damn if you don’t for Kim Chiu.

We’re asking this kasi nag-post siya recently ng photo where it showed baskets of goodies na ipamimigay niya para sa 1,500 families.  Ibinida niya sa caption niya na she donated P300,000 for mass testing.

“Thank you po sa lahat ng sumupporta sa #bawallumabasmerch we were able to give sa 1,500 families and 300 thousand pesos for mass testing c/o shop and share! @therealangellocsin @dimplesromana @annecurtissmith  @bawallumabas_merch.”

That was Kim’s caption sa kanyang IG photo.

While what she posted was very positive, there are those who still bashed her.

 Imagine, nag-donate na nga siya ng cash at magbibigay pa ng relief goods sa 1,500 families pero bash pa rin ang inabot niya. Tinawag siyang platic, pabida at kung anu-ano pa. It defies logic, right?

“Mga plastic edited naman uung pictures. Palagay natin totoo yan, anu yan pambawi sa nagawa nya para tangkilikin sya, mga plastic talaga para lang kumita bahala na.”

“Bkt pag namimigay kayo ng tulong dapat naka publish? Haysssss.”

“Kelangan nyang bumawi sa public, kasi kung di nya gagawin yan naku po wala na syang carreer. Ahahha kung di sya napahiya di yan mamimigay ng relief goods. Pero salamat pa din kim at abigyan mo ang kababayan natin na nangangailangan.”

Ilan lang ‘yan sa mga negative comments ng basher.

We are so baffled by this.  Why don’t they see positivity in helping other people?  Bakit may mga taong hindi na nga nakakatulong ay namba-bash pa?

Anyway, nilunod ng followers and fans ni Kim ang mga bashers sa kanilang comment.  

“Yan ang taong nilalait nyo tumutulong na ngayon. Kaya kung may hiya pa kayong naglait sa kanya hwag nyo ng tanggapin baka mabulunan pa kayo.ibang tao talaga mga hipokrito.ang panglalait nyo binalikan kayo ng kabutihan.God bless you Kim.”

“What matters is that WE STRIVE HARD TO PLEASE GOD….. NOT HUMANS….. BECAUSE IT IS ONLY GOD WHO SEES THROUGH OUR HEART….. GOD BLESS YOU, MISS KIM CHIU.  NOBODY IS PERFECT….. IN THE EYES OF GOD, HE WHO IS CLEAN CAST THE FIRST STONE.”

“Kim, just keep your head up, don’t ever be discouraged by those heartless people! You’re doing a great job! Wag kang magsawang tumulong, Kim! There’s God. Have faith!”

“Correct attitude towards bashers..kill them with kindness and good deeds for they can’t do what you are doing right now..and that is Helping people.”

“Nice move again ms. kim chui… sana dika magsawang tumulong sa mga kapwa pilipino nating tunay na nangangailangan ng tulong… alam ng nakakarami na likas kang matulungin dahil pinoy ka!!! thank u ms. kim chui sa mapagkumbaba mong puso.”

“Sa mga basher nya. Donate donate din kayo ng magkaroon kayo ng silbi sa lipunan.”