NAIS pagpaliwanagin ng Metropolitan Manila Development Authority si
Kim Chiu sa kumakalat na viral video na sumayaw diumano ito sa Edsa
habang tugtog ang hit song niyang ‘Bawal Lumabas’.

Ayon sa MMDA, iimbitahan nila ang aktres para mag-explain tungkol sa nasabing video na ipinost ng isang Chadric Ebojo.

Sa isang Instagram post naman, itinanggi ni Kim Chiu na kuha ito sa Edsa.

Ayon sa aktres, kuha ang video sa isang parking lot ng isang restaurant.

“Sa nagpapakalat ng fake news na sa Edsa ako sumayaw, hello?!!! Okay
ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang. DYOS KO.
Please stop spreading FAKE NEWS.” sey ni Kim.

Nangyari daw ito habang nagdedeliver siya ng binebenta niyang merchandise na first time niyang ginawa.