NADULAS at nagkapasa si Maine Mendoza nang maaksidente sa studio ng “Eat Bulaga” kamakalawa ng hapon.

Nahulog ang TV host-actress sa inuupuang stool sa metal railing ng set habang on-going ang Bawal Judgmental segment ng “Eat Bulaga.”

Mismong si Maine ang nag-post ng video nito sa kanyang social media account kalakip ang litrato ng nakuha niyang pasa.

Mapapanood sa blooper video ng dalaga ang eksenang bini-brief sa next segment sina Pia Guanio, Ryan Agoncillo at Jose Manalo habang commercial brea.

Naghihintay naman sina Maine at Paolo Ballesteros sa isang side ng stage. Makikita ngang nakaupo si Maine railing ng maikling hagdan sa stage at nagpapadulas.

Ngunit hindi natantiya ni Maine ang kanyang pagdulas kaya nagtuluy-tuloy siya sa sahig. Tinangka pa siyang saluhin ni Paolo pero huli na ang lahat. Agad naman siyang tinulungang makatayo ng mga kasamahan.

Mismong si Maine ang nag-upload ng video sa kanyang Facebook page na may title na “sLide.mp4.”

Kaya pala sa “Kabuhayan ni Juan” segment ay nag-dialogue si Ryan ng, “Kumbaga sa natisod, babangon uli!” Na sinagot naman ni Maine ng  “Totoo iyan, relate!” habang tawa nang tawa.

Sa ipinost naman niyang photo makikita ang pasa niya sa hita at nilagyan ng caption na, “Oy masakit to no! Slide pa!”

Anyway, ngayong July 4 ang selebrasyon ni Maine ng kanyang 5th anniversary sa showbiz!