Mister, pumapadyak ng labing dalawang kilometro para maipa-dialysis nya ang kanyang asawa na may sakit.

Ayon kay Manolito madaling araw palang ay umaalis na sila ng kanyang asawa na si Marilou Palacio, gamit ang biskleta ni Manolito na ikinabit sa harapan ang wheelchair ng kanyang asawa.

Mula Caloocan hanggang Quezon City ang nilalakbay ng dalawa dahil walang masakyan dahil sa Pandemya. Ito ang naisip nilang paraan para mapagpatuloy pa rin ang dialysis ng kanyang asawa tatlong beses sa isang linggo.

"Umaalis kami ng alas-singko ng madaling araw, dumarating kami rito minsan pag hindi kami natrapik alas-otso nandito na kami,"- saad ni Manolito

Labis naman ang pagpapasalamat at pagmamahal ni Marilou sa kanyang Mister, dahil sobrang hirap ng buhay ngayon ay hindi sumusuko ang kanyang Mister.

"Pa, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa akin. Mula nang maOspital ako di mo ako pinabayaan. Maraming-maraming salamat pinagtyagaan mop ako kahit papano. Salamat, Love You Pa,"- sabi ni Marilou sa kanyang Mister