Partikular na binanggit ni Annabelle sa kanyang Twitter post ang parang sirang plakang pag-uusisa ni House deputy speaker Rodante Marcoleta sa may-ari ng network tungkol sa pagiging tunay na Filipino nito. Narito ang sunud-sunod na tweet ng talent manager: “Pwede ba lahat ng Congressman na walang alam sa itatanong tumahimik nalang or magtanong muna sa lawyer bago pumunta sa Congress?

 “Nakakahiya at nakakabwisit manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo—lahat kayo gusto lang ma-starring sa TV!” Dagdag pa ng misis ni Eddie Gutierrez, “Sinagot na yan nung least hearing. Nahihilo na ako sa pulit ulit na tanong.” “Ako isang Pinoy na bisaya. Hindi ko alam ang sinasabi ni dong Makuleta. Panatang Makabayan bakit kailangan sa hearing yan? Mga taong bayan at mga botante.

Malapit na election alam nyo na kung sino ang iboboto nyo. Nakakatawa kayo Ha ha ha..bwesssssit!” pagpapatuloy pa ni Annabelle Rama. Hirit pa niya, “3 yrs na hindi ako active sa Twitter nabuhay ako! Nahilo na ako habang nanonood sa bahay-Mr. Gabby Lopez pa kaya? Hay naku tumaas blood pressure pati na blood sugar ko. “Ayaw kong makita sa TV ang pagmumukha ng Congressman na ang haba na ng TV Exposure. UNCLE SAM, DONG??” aniya sabay tanong ng, “SINO BA SI UNCLE SAM DONG???? Paki explain mong Mabuti.”

Samantala, pinuri naman niya ang isang kongresista na nasa hearing, “Gusto kong ibalik si Cong. Rufus Rodriguez ang linaw ng explanation niya regarding citizenship dahil former Immigration Commissioner alam niya lahat ang itatanong. Naubos na oras sa mga nonsense na tanong anong tanong yan! Mahal mo ba ang Pilipinas? Siyempre.”

Pahabol pang tweet ng talent manager, “Hay naku nawala ang antok ko ang sarap makinig kay cong. Rufus Rodriguez understood Filipino citizen si Mr. Gabby Lopez confirmed by DOJ Usec. Nicolas Felix Ty Immigration Com. Jaime Morente. Dapat mga ibang congressman makinig na sa marunong sa batas dada kayo ng dada.”