Isang OFW na na-stranded, pinagtabuyan ng kanyang Misis na may iba na palang kalaguyo.

Ang OFW na si Tatay Rosamar ang pinagtabuyan ng kanyang asawa na nasa Cebu dahil may kalaguyo na pala ito.



Nang makauwi ng Pinas si Tatay Rosmar ay agad syang pinapunta ng kanyang asawa sa Bulacan dahil isa daw sa kamag-anak nila ay may sakit. Pumunta ito ng Bulacan bago mag-lockdown dahil sa may kumakalat na pandemya na COVID-19.

Nung nasa Bulacan na si Tatay Rosmar ay hindi agad sya nakauwi sa kanyang Pamilya sa Cebu dahil sa ECQ. Pero habang nasa Bulacan sya ay nagtext ang kanyang asawa : "Wag ka na bumalik dito sa Cebu, ayoko na sayo may iba na akong gusto".


Noong June 23, isang netizen ang nagpost ng kwento ni Tatay Rosmar at agad itong nag-viral. Maraming tao ang gustong tumulong dahil sa nangyari dito. Salamat sa post na ito, dahil dito ay marami ang magbibigay ng tulong kay Tatay Rosmar.

“Kaawa-awa talaga sitwasyon ni tatay. Tignan ko pa lang ang kalagayan mo naiiyak na ako dahil sa ginawa ng pamilya mo sayo. Ganyan talaga ang iba, pag wala ng pera ang OFW binabalewala lang nila. Pero pag nagta-trabaho pa may pakinabang pa sa kanila. God bless you tatay sana makauwi ka na.”- saad ng netizen.