Matapos mag-positibo ang tatlong pinay sa COVID-19, pinabayaan na ang mga ito ng kanilang amo.

Sobrang daming OFW na ang narecord na tinamaan ng C0VID 19. Sa kasamaang palad, ilan sakanila ay namatay na at ilibing na agad. Mahirap ito para sakanilang pamilya dahil malayo ito sa kanila.
Ang iba naman, nakakauwi pa ng Pilipinas ngunit sila'y kinukutya o pinandidirihan ng kanilang kapwa Pilipino. Mayroon ding mga OFW na pinabayaan na lamang ng kanilang mga amo.



Gaya na lamang ng nangyare sa OFW na ito. Nagpost ang isang Myra Oliveros Caturas ng isang video kung saan tatlong Pinay umano ang nagpostive sa virus ngunit pinabayaan na lamang daw sila ng kanilang amo.


"Tatlong pinay po positive sa c0vid19 Pinababayaan na sila ng amo nila dito po sa riyad sa San Fajr street exit 24 Al-suwtaidi nimar riyad city. Jats Talent Agency po agency sa pinas #PAKISHARE”."

Sa nasabing video, makikita na ang isang Pinay ay inaalalayan ang isang babae na tila hirap na hirap na gumalaw dahil sa paninigas ng kanyang katawan. Makikita ding umiiyak na siya dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.