DIRETSAHANG ipinamukha ni Angel Locsin
kay Senate President Tito Sotto na hinding-hindi niya susuportahan ang
anumang uri ng karahasan.
Nalaman kasi ng Kapamilya singer na
ni-like ng senador ang isang post sa Twitter na nagsasabing supporter
daw siya ng New People’s Army “since day 1”.
Ni-repost ito ni Angel at sinabing, “I
saw that you liked this tweet. I will never support terrorists, nor will
I ever support any kind of violence.”
Dagdag pa niya, “You have the right to
like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope
we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you.” Tinag din
niya rito ang Twitter account ni Tito Sen.
Isa ang aktres sa mga celebrities na
matapang at may paninindigang nagpahayag ng pagkontra sa pagsasabatas ng
Anti-Terrorism Bill. Si Tito Sen ang principal author nito sa Senate.
Kinuwestiyon at nagpahayag ng pangamba
ang maraming artista sakaling maging batas na ang Anti-Terrorism Act of
2020 kung saan papayagan na ang “warrantless arrests” at “wiretapping of
suspected terrorists”.
Isa si Angel sa mga unang celebrity na sumuporta sa panawagang #JunkTerrorBill kasama sina Anne Curtis, Bea Alonzo, Solenn Heussaff, Janine Gutierrez, Enchong Dee at marami pang iba.
Ayon naman sa MalacaƱang, huwag daw
mag-alala ang publiko dahil sinisiguro nila na hindi maaabuso ang
Anti-Terrorism Bill kapag naisabatas na ito.