Makalipas ang halos sampung taon, base sa pagkakatanda ni BB Gandanghari, niresbakan nga niya si Vice Ganda, pati na si Ricky Reyes, na diumano ay nanlait sa kanya noon.

Pero, mas bongga nga ang pagtataray ni BB kay Vice, na nag-interview nga noon na super love raw niya si Rustom Padilla, kaya bakit pinatay? Sinabi rin niya na bakit magmo-modela si BB sa US, eh, nasa 40s na nga raw ito. Pati nga ang pananamit nito noon, na kesyo bagamat mukhang mamahalin daw, feeling niya ay mismatch ang lahat.

Kaya sa pagla-live ni BB sa kanyang YouTube channel, sunod-sunod nga ang tirada niya kay Vice Ganda.