MAGDYOWA na nga ba sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Yan ang tanong ng madlang pipol matapos mag-trending ang latest Instagram post ng Kapamilya hunk actor.

Mas tumindi pa ang paniniwala ng fans ni Bea na may “something” na sa kanila ni Dominic dahil sa ibinahaging litrato ng binata sa IG kung saan makikitang magkatabi ang isang babae at isang lalaki.

Tila nasa ramen restaurant ang dalawa pero natatakpan ng kurtina ang kanilang mukha.

Naka-black t-shirt with horizontal red stripe ang guy habang nakasuot naman ng itim na blazer ang babae at may gold bracelet.

Kuha ang litrato sa Tokyo, Japan base na rin sa location na nakalagay sa IG post. Ang caption dito ni Dominic ay, “Tila ako’y nabighani… [heart emoji].”

Ilang netizens ang nagpatunay na ang latest post ni Dominic ay kuha nga sa trip nila ni Bea sa Japan last year.

November, 2019 unang nag-post ang hunk actor sa Instagram ng mga photo mula sa pagbabakasyon niya sa Tokyo, Japan. Sa ilang litrato ay kasama niya si Bea.

Base sa mga unang post ng binata, magkapareho ang OOTD ng dalawang taong may takip ang mga mukha sa suot nina Dominic at Bea habang nasa loob ng ramen house.

Mapapansin din na halos pareho ang posisyon ng dalawang Kapamilya stars sa mga nasabing litrato. Kaya ang paniwala ng kanilang mga IG followers, may relasyon na talaga sila.

Pero ang tanong ng ilang netizens, bakit kailangan pa nilang itago ang tunay na estado ng kanilang lovelife kung talagang sila na nga? Hindi ba proud si Bea na maging boyfriend si Dominic?

Wala raw kasi silang nakikitang post ang aktres tungkol sa lagay ng puso niya ngayon. Kumbaga, wala man lang daw itong paramdam kung may bago nang lalaking nagpapasaya sa kanya.