FINALLY, rumesbak na ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz sa dati niyang kaibigang OFW na naniningil sa umano’y matagal na niyang utang.

Inireklamo ng nagngangalang “Alex” si Sheryl sa isang online show at inakusahan nga siya ng hindi pagbabayad ng utang noon pang nakaraang eleksyon.

Ito raw yung time na tumakbo ang aktres bilang councilor sa Manila at isa nga si Alex sa mga naglabas ng pera para sa kanyang kampanya.

Hindi sinagot ni Sheryl ang akusasyon ng dating kaibigan nang tawagan siya ng nasabing online show noong July 14. Aniya, kinausap na niya ang kanyang abogado hinggil dito at ipinagdiinang wala siyang utang.

Kagabi, naglabas na ng official statement ang Kapuso star at hinamon si Alex na maglabas ng ebidensya laban sa kanya.

“I have not borrowed any amount from ‘Alex.’ Should she be able to prove clearly and unequivocally that she did incur deficit during my campaign, I would gladly pay the same. I pay my dues.

“The money she may have caused to be paid for the dance projects and the salaries of the staff are from the campaign funds and not from her own pocket. She was one of my campaign handlers and she held the funds,” unang paliwanag ni Sheryl.

Pagpapatuloy pa niya, “It saddens me that a radio program becomes a pseudo court that acts like a lawyer, a judge, and jury all at the same time without even knowing the other side.

“An anonymous number called me when the program was already being aired and was expecting me to explain. I was taken by surprise.

“I chose to remain silent because I don’t want to go on that level. I prefer to explain myself before the court if need be because my conscience is clear and truth and fairness will protect me,” lahad pa niya.

May babala rin si Sheryl sa lahat ng mga namba-bash sa kanya, “To those who have been sending me hate messages and cursing me without even knowing my side of the story, all your messages may be used as evidence of cyber bullying and online harassment.

“I should not be faulted for something I am not liable for,” diin niya.