NAGDESISYON ang Mega daughter na si Frankie Pangilinan na tumigil muna pansamantala sa paggamit ng social media.

Ito ang in-announce ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa kanyang Twitter account ngunit wala siyang idinetalyeng dahilan kung bakit.

“Initially just going to take the break. But I figured I’d lyk (to let you know) first in case my silence is odd,” pahayag ng matapang at palabang anak ng Megastar.

“I’ll be keeping my distance from social media as much as possible while still occasionally helping spread awareness for things that matter.

“Hope you understand and ilysm (I love you so much),” lahad pa ni Frankie na naging kontrobersyal dahil sa pagbibigay niya ng matatapang na opinyon sa iba’t ibang national at social issues.
Naiintindihan naman ng mga followers ni Frankie ang kanyang desisyon at nangakong ipagdarasal ang kapayapaan ng kanyang kalooban pati na rin ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

May mga nagsabi naman na ang pagbe-break ng dalaga sa social media ay may konek sa pag-iyak at emosyonal na mga pahayag ng inang si Sharon sa kanyang Instagram Live kamakailan.

Naisip daw siguro ni Frankie na masyado nang affected ang ina sa pamba-bash at pambabastos sa kanya ng mga netizens lalo na ang tungkol sa kontrobersyal na rape threat sa kanya.

“I didn’t want to say this, but it’s affected us mentally, emotionally. I got sick, because when it’s emotional and mental, it will come out in the physical. I got sick.

“Kaya hindi ako tumataba dahil wala akong gana. Dalawang gabi, ‘yung dinner ko, dinuwal ko dahil sa stress.

“Why are you so bad? Why do you do this to my children? Why? When I see Frankie’s face, I just break down,” ang bahagi ng pahayag ni Shawie.

Napaiyak din si Mega nang mapag-usapan ang tungkol sa pagkukumpara sa mga anak niya partikular na kina Frankie at KC Concepcion. Kung anu-anong malilisyoso at masasakit na salita ang ibinabato ng bashers kay Frankie habang pinupuri naman nila si KC.

 “I’m so sorry, honey (Frankie). You don’t deserve that. Ganoon kasama ang tao…in the end, that’s not what matters. Physical beauty fades. She’s really beautiful, but they shouldn’t do that to sisters, they shouldn’t do that to children, they shouldn’t do that to women. I am your mother. I am KC’s mom, I’m your mom, I’m Yellie’s mom. How dare they. I love you all.

“Please don’t do that to my children. Ako na lang pintasan niyo. How dare you. Pag-aawayin niyo ‘yung magkapatid. Ako po ang nagsilang sa mga ‘yan. Hindi po ganoon ang pagpapalaki ko sa mga anak ko,” pahayag pa ni Mega.