DIRETSAHANG inamin ni Hayden Kho na dalawang beses siyang minolestiya noong bata pa siya.

Bukod dito, matindi rin ang naranasan niyang depresyon noong kasagsagan ng mga kontronbersiyang kinasangkutan nita nang pasukin ang mundo ng showbiz.

Binuksan ng dating actor-model ang ilang bahagi ng kanyang personal na buhay sa isang video na ipinost sa Facebook ni Peter Tan-Chi ng Christ’s Commission Fellowship (CCF).

“When I was young, I was molested twice,” ani Hayden. Dahil dito, kinuwestiyon niya ang pagkakaroon ng Diyos, bakit daw hinayaan nito na mangyari ang ganu’n sa kanya. “If you are a just God, then why didn’t you do anything?”


Nang pasukin na niya ang showbusiness, gumawa siya ng isang imahe para masigurong magugustuhan at mamahalin siya ng madlang pipol.

“I started creating an image that people will fall in love with. I started creating this image but this image is not me so if people fall in love with that image, that’s not me.

“And then I became popular. Money was easy. All those things entered, women, alcohol, and then I got into drugs,” pag-amin pa niya.

Pero aniya habang tumatagal, “Deep inside when you’re alone in bed at night, you think, ‘what a miserable life I have.’ I have all these things but I’m alone and nobody knows me.”

Na-realize din niya na, “At the end of the day, all those experiences when you’re alone in bed at night, you think ‘What a miserable life I have.’”

Dito rin niya naisipan ang magpalamatay — ng dalawang beses, “And then you kinda fall in love with the idea that ‘I am sad and I am a victim,’ and you know, I can just opt out.”

Ngunit nagbago raw ang lahat nang pumunta siya sa India para sa isang outreach program, lalo na nu’ng kinukunan niya ng litrato ang isang batang babae na nagdarasal gamit ang kanyang camera na nagkakahalaga ng P1 million.

Bigla na lang daw tumulo ang kanyang luha, “What am I doing taking a picture of this poor child? If I sell this camera I can feed this whole school.”

Simula noon, nagbago na ang pananaw ni Hayden kasabay ng mas pinatatag pa niyang pananampalataya.