WALANG planong pumasok sa mundo ng politika ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Marami ang nagsasabi na pwedeng-pwedeng tumakbo sa susunod na eleksyon si Heart dahil meron siyang puso para sa mahihirap.

Pinatunayan daw ito ng misis ni Chiz Escudero nitong panahon ng pandemya. Talagang kinarir niya ang pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan sa abot ng kanyang makakaya.

In fairness sa asawa ni Chiz, sariling pera niya ang lahat ng kanyang ginastos sa mga isinagawa niyang relief mission at charity projects, hindi siya nanghingi ng donasyon mula sa ibang tao.
Mula nang magsimula ang health crisis sa bansa, hindi na tumigil si Heart sa pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown, pati ang pangakong pamimigay ng free tablets sa mga mahihirap na estudyante ay tinupad niya.

Sinagot din niya ang hospital bills ng ilang pasyente sa iba’t ibang hospital bukod pa sa pamimigay ng mga PPE, face mask, face shields at alcohol sa mga health facilities.

Kamakailan, kumalat naman ang mga litrato ni Heart sa social media habang nagdi-distribute ng mga wheelchairs sa mga lolo’t lola sa Sorsogon kung saan naglilingkod na governor ang asawang si Chiz.

May mga nagkomento na sana raw ay maisipan din ni Heart ang maging public servant pero may mga kumontra rin dito at nagsabing, “Hoping Heart Evangelista won’t enter politics.”

Agad naman silang sinagot ni Heart sa Twitter ng, “Politics is not for me. I can help without that kind of power.”

Samantala, kamakailan lang ay pormal nang inanunsyo ni Heart ang kanyang charity project na Big Heart PH.

“What once started as a small project on Twitter has now turned into one of biggest blessings this year. Been pouring our hearts and souls into this and finally I am so proud to say that we are officially launching Big Heart PH!

“Big Heart PH aims to provide students the proper tools they need so they do not stop learning and educating themselves despite the current pandemic situation of our country.

“Little acts of kindness always make the biggest differences. We can always work together to be a ray of sunlight to others,” pahayag pa ng Kapuso star.