AGARANG tulong umano ang kailangan ng mga overseas Filipino workers, ilan sa kanila ay napipilitang magbenta ng dugo para may makain.

Sinabi ni ACT-CIS chairman Aniceto Bertiz nakalulungkot ang kalagayan ng mga stranded na OFW na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 pandemic.

“Our OFWs are obviously facing almost unimaginable hardships abroad. Like many of us here, they too dread of what their future awaits them under the new normal environment. They lost their jobs and are now risking themselves to eat and survive,” ani Bertiz, Deputy Director General ng Technical Education and Skills Development Authority.

Kailangang umanong bilisan ang pagtulong sa mga bagong bayani at hindi maliitin ang kanilang paghihirap upang mabuhay.

“Our concerned government agencies need to act fast in addressing the issues, concerns and difficulties of our documented and undocumented OFWs who were displaced or stranded abroad due to the pandemic. Instead of belittling, undermining or spinning their struggles, we need to heed their pleas for our help,” saad ni Bertiz.

“This is our urgent and immediate task, and we need everybody’s support and cooperation to keep our OFWs safe and extend assistance to them and their families.”

Nauna rito, binatikos sa social media si Labor Sec. Silvestre Bello III kaugnay ng pahayag nito na nagbebenta ng dugo ang ilang OFW sa Saudi Arabia para may pang-inom upang hindi mabawasan ang kanilang ipadadalang pera sa kanilang pamilya.