PROUD “padede mom” din ang aktres at dating beauty queen na si Miriam Quiambao.

Inamin ni Miriam na kahit mahigit isang taon na ang kanyang anak na si Elijah ay dumedede pa rin ito sa kanya.

Aniya, ang pagpapa-breastfeed niya sa panganay nila ng asawang si Ardy Roberto ay nagsisilbi ring bonding time nila ng anak. Feeling niya, mas nagiging strong pa ang relasyon nilang mag-ina.
Nag-post ang TV host-actress ng litrato nila ni Elijah habang pinapadede niya ito.

Caption niya, “What breastfeeding looks like nowadays. Elijah at 16 months still breastfeeds but mostly on demand.”
Chika pa ni Miriam, “No more schedule…not even a decent position. Oftentimes we’re on the floor, sometimes I get to sit or I’m bent over and he’s nursing while standing.

“Parang cow nursing a calf lang. Gano’n. Those times I really feel like I’m Mrs. Moo.

“My favorite position though is when I breastfeed him while we are both lying in bed — hanggang sa makatulog na kaming dalawa. Buong magdamag na ito. Sarap. At least we are both well rested.

“But no matter the position, I still feel it’s a privilege to be nursing my son at this point,” mensahe pa ni Miriam.

Pero may mga araw daw na parang gusto na niyang itigil ang breastfeeding, “There have been times when I almost wanted to wean him early but I just convinced myself na sandali na lang ito. Baka next year, ayaw na niya ako.

“So I still do it. Whether he really wants cuddling with Mama or all he wants is ‘dede.’ Hangga’t gusto pa niya, nandito lang ako,” pahayag pa ng Miss Universe 1999 first runner-up.