Patay sa pamamaril ang isang Kagawad sa Barangay 484 zone 48 sa Sampaloc Manila kagabi. Binaril ang biktimang si Antonio Calma Jr. sa loob mismo ng Barangay Hall.

Ayon sa isa pang Kagawad nag pupulong sila daw ng biglang may sumipa sa pinto at pinaputukan sila.


Matapos daw humupa ang putukan ay binalikan pa daw ng salarin si Calma at pinagbabaril pa. Dead on the spot ang biktima, ngut wala namang tinamong tama ang ibang kagawad na kasama sa pulong.

Hindi na kilala ang mga salarin, ayon sa mga kaanak ni Calma wala daw silang alam na kaaway ng Kagawad.