MARAMI ang na-turn off when netizens learned na kasama si Piolo Pascual sa team ni direk Joyce Bernal na pumunta ng Sagada para kumuha ng footage for President Rodrigo Duterte’s SONA.

Ang daming ballistic reaction sa social media ang inabot ng actor. Marami ang na-surprise nang malaman nilang DDS daw si Papa P. Talagang pinag-usapan ang Kapamilya actor gayong may iba pa naman palang celebrities na kasama sa trip na iyon tulad nina Bella Padilla at Illac Diaz.

“So disappointed with Piolo. He should have the common sense not to go there and risk the community.”

“KADIRE SI PIOLO.”

“Parang di nag iisip, iniipit ang network mo tapos lalantad ka na DDS.”

“Habang nangangamba ang abs cbn sa kanilang franchise, eto ang inyong PPP (Papa P) magshoot para sa sona ng taong punot dulo ng pagpapahirap sa tahanan nila…wow!”

‘Yan ang hanash ng netizens.

But nothing beats our colleague-friend Alwyn Ignacio na grabe ang hanash against Papa P sa kanyang Facebook account.

“Dahil maka-poon sa palasyo ka pala, ikaw na talaga ang number one ka na sa You’ll Never Make It list sa Disyembre. Alam ko namang hindi mo ako kilala at tiyak na di ka bothered kung isulat man kita o hindi.

“Pero ako bothered na kung kailan ginigisa ang network na nagpasikat at nagpayaman sa iyo, saka pang-malakasan ang pagsuporta mo sa poon’s propaganda.

“Juice colored! Huwag kang- mag alala, lahat ng produkto at pelikulang ikaw ang bida at kung sakaling ako ay maiimbitahan, it’s a no. That’s all.”

‘Yan ang matapang na aria ng aming friend na si Alwyn.