ITINANGGI ni Janella Salvador ang paratang ng kanyang personal assistant (PA) na hindi niya ibinigay ang kabuuang suweldo nitong umabot sa P3,600 para sa siyam na araw na serbisyo nito.

Ayon sa PA ng singer-actress na si Michelle Pelongco, humihingi siya ng dagdag na suweldo dahil maliit ang P8,000 kada buwan na naging dahilan para paalisin siya ng dalaga.

Sinabihan pa raw siya ni Janella ng hindi magagandang salita tulad ng hindi nito deserving ang mga pagkaing masasarap.

May binanggit pa si Michelle tungkol sa pinirmahan niyang kontrata tungkol sa isang lihim na tinawag na “atomic bomb.”

Ngayong araw, sinagot ni Janella ang paratang sa kanya ng PA sa pamamagitan ng Twitter.

“The only time you are gonna hear from me about this PA ‘issue’. Have a great day, everyone.

“Thank you for your sweet messages, I really don’t believe I have to defend myself because trial by media is not the appropriate venue for this.

“If you believe in your own lies and I really violated something, sue me.

“If you’re gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me…sorry, huh 3.6k is small and I would gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time.

“We are literally still going through a pandemic and our press freedom is in danger. Next,” depensa ni Janella.