TRENDING at super hot topic ngayon sa social media ang pangalan ni Sarah Geronimo at ang hashtag #ProtectSarahGAtAllCost.

Ito’y may konek sa patutsada ni Angel Locsin sa mga kapwa niya Kapamilya stars na hindi nagsasalita at nananatiling tahimik sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Galit na galit na naglabas ng saloobin ang aktres sa ginanap na noise-barrage at protest rally ng mga talents at empleyado ng network kagabi.

“At mga kapwa kong artista na hindi nagsasalita, tatahimik pa ba kayo? Wala na kayong network!
“Kahit magpa-cute kayo sa Instagram, kahit mag-selfie kayo ng sad face. Hindi ninyo nadadamayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

“Huwag kayong matakot! Wala na kayong proprotektahan na career or image! Nandito na tayo sa panahon na kailangan ninyo magsalita!” ang bahagi ng pahayag ni Angel.

Walang pangalang binanggit si Angel sa kanyang mensahe ngunit may ilang netizens ang nag-assume na isa si Sarah sa mga pinatamaan ng dalaga.

Kanya-kanyang post ng kanilang mensahe sa Twitter ang fans ng Popstar Royalty gamit ang #ProtectSarahGAtAllCost. Iisa ang nilalaman ng kanilang post, ang pagtatanggol sa misis ni Matteo Guidicelli.

“ABS-CBN’s franchise renewal is not Sarah’s responsibility.

“You are wondering why Protect Sarah G AtAllCost is trending? Because of narrow minded people calling for support but also promoting hate. Don’t forget RESPECT, this is our battle.

“Sarah Geronimo clearly knows her battleground. She simply does not engage on issues which need legal discussions and not social media clamor. We need to commend her for that. It’s not neutrality but a good judgment. I, as a popster myself, need to Protect Sarah G AtAllCost.

“We support ABS-CBN because of Sarah G.Sarah contributed too much to the network so please stop bashing her,” ang laman ng Twitter post kung saan mababasa ang compilation ng tweets mula sa Popsters.

Comment naman ni @jaguarkuyaipe, #ProtectSarahGAtAllCost is now trending. Is it because unlike her colleagues, she kept quiet and refused to play politics?

“Is it bec she is the better judge in The Voice than d sister of Maestro Gerard. Or bec. her husband is a well-known DDS who chose to serve d country?”

Sey ni @ninabeIlatrix1, “Sarah G’s quiet strength is what sets her apart from the loud and obnoxius. She is very private and has never even talked about her love life or her family in public so you have no right to order her around to talk about you.”

Ayon naman kay @MaidenUnwound, “A bunch of hypocrites. What do you call a person who shoves what she/he wants to other people with no regards to their freedom to choose? Ahhh. DICTATOR. Isn’t that one of the reasons why you loathe Duterte?”