SA murang edad ay marunong na ang anak ni Katrina Halili sa mga gawaing bahay.

Ayon sa Kapuso actress, ayaw niyang lumaking palautos o mag-feelimg senyorita ang anak niyang si Katie kaya naman ngayon pa lang ay tinuturuan na niya na itong maging independent.

Sey ni Katrina napakarami na niyang naituro sa anak sa ilang buwan nilang pananatili sa bahay dulot ng community quarantine.

Sa Instagram post ni Katrina recently, makikita ang anak na naglalampaso ng sahig at hagdan. Meron din siyang litrato habang naghuhugas ng pinggan.

Natutukan daw talaga niya ang pagdidisplina kay Katie at mas nabigyan sila ng mahabang panahon para makapag-bonding.

“Natuturuan ko po siya na makatulong sa akin dito (sa bahay). Like paggising niya nagpo-fold siya ng bed niya, tapos naghuhugas siya ng sarili niyang plato, nagwawalis siya kapag may kalat siya.

“Nagma-mop kapag may kalat siya, nagma-mop kapag may kalat siya,” kuwento ni Katrina sa panayam ng GMA.

Aniya pa, “Nauutusan ko siya, actually tini-train ko siya. Ayoko po siya lumaki na senyorita, baka mamaya tubig lang hindi pa magawang makuha, ‘di ba?

“So, gusto ko lumaki po siya na marunong po siya sa buhay niya,” sey pa ng aktres.

Naaadik na rin ngayon ang “Prima Donnas” star sa pagbe-bake at pagluluro ng mga bagong recipes na resulta rin ng pagka-lockdown.

Samantala, excited na rin si Katrina sa pagbabalik ng karakter niyang si Lilian sa “Prima Donnas”. Balik-tambalan na uli sila ni Wendell Ramos bilang si Sir Jaime.

Ayon kay Wendell, sweet naman daw talaga siya kahit off-cam, “Ganyan talaga ako behind cam, talagang kapag si Katrina…siguro talagang nagwo-work, nakakatuwa dahil sino ba naman ang hindi mabibighani kay Ms. Katrina Halili?

“Talagang nagwo-work si Sir Jaime, ‘yan ‘yung longing niya na maibalik ‘yung pagmamahal kay Lilian,” ani Wendell.

“Sobrang happy kami kasi ‘di ba mare-refresh ‘yung mga tao kasi babalik ulit sa simula, sa pilot hanggang sa bago mag-lockdown,” sey naman ni Katrina.