CONFIRMED! Buntis na uli si Andi Eigenmann sa ikalawa nilang anak ni Philmar Alipayo.

Ito ang masayang ibinalita ng aktres sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang latest vlog sa YouTube ngayong araw.

 Kasalukuyang magkalayo ngayon ang magdyowa, nasa Manila si Andi matapos abutan ng community quarantine habang nasa Siargao naman si Philmar.

Ang nasabing video na may titulong “Our Special Birthday Gift For Papa + Andi’s (funny) Greeting in Siargaonon!” ay regalo na rin ni Andi kay Philmar na nag-celebrate ng kanyang birthday kamakailan.

Mapapanood sa bandang dulo ng vlog ang pag-announce ni Andi na buntis nga siya ngayon sa kanyang third baby.

Mensahe niya sa tatay ng kanyang mga anak, “Again, thank you so much, mahal ko for everything. Because of you, I’m this happy and I have this wonderful life.

“And I hope you are happy to celebrate another year with us in your family.

“We can’t wait to go back there to the island and be complete again soon with you, me, Ellie, Lilo and our newest happy islander on the way,” lahad ni Andi.

“I’m so happy to be building this family with you and I hope you consider this an amazing gift for you on your birthday,” aniya pa.

Ipinakita rin niya sa kanyang YouTube subscribers ang lumalaki na niyang tiyan. Aniya, “Baby #3 coming 2021.”

Ang panganay nina Andi at Philmar na si Lilo ay one-year-old na ngayon. May anak din ang aktres kay Jake Ejercito, si Ellie habang dalawa naman ang naging anak ni Philmar sa dating karelasyon.

Ang una ay si Toro na kasama nila ni Andi sa Siargao at ang isa naman ay si Kanoa na kasama ng nanay nito sa France.