Nasa anim na regional officers ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naghain na ng leave of absence.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng anomalya na bumabalot sa Philhealth.

“These six officials, however, are not the “mafia” referred to by Senator Panfilo Lacson. They were, in fact, referred to as “heroes” by PhilHealth board member Alejandro Cabading during his Senate testimonies,” pahayag ni Roque.

Naghain aniya ng leave of absence ang anim na opisyal bilang tugon sa panawagan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na lumiban muna sa trababo ang mga opisyal na nabanggit sa hearing at para mabigyan daan na rin ang ginagawang imbestigasyon ng binuong task force ng DOJ.

“We consider this as the right and proper thing to do,” pahayag ni Roque.

“The Palace reiterates the call of the DOJ Secretary, who heads the PhilHealth Task Force, for those officers under investigation, particularly the members of the Executive Committee (ExeCom) who have been named in the investigations of both Senate and House, to follow their action and go on leave,” dagdag ni Roque.