TINAKOT at pinagmumura ng isang netizen ang Kapuso TV host-actress na si Chynna Ortaleza.

Bihira lang pumatol ang aktres sa mga bashers, but this time hindi niya napigilan ang sarili na rumesbak at manindigan sa katotohanan.


 

Nag-post si Chynna sa kanyang Instagram account ng dalawang no-make up selfie photo na aniya’y normal na itsura na ng isang nanay pagsapit ng hapon.

“Most honest selfie of what a work-from-home woman, full-time Mama, wife, and cleaner looks like by 4 p.m.!” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Maraming nag-like at nag-post ng  positive comments sa picture ni Chynna pero may isang nambasag sa trip niya at walang takot na nagsabing “gagang babae.”

Sinagot naman siya ni Chynna ng, “Sige nga i-define mo yan.”

Pero hindi nagpatinag ang basher at sinabing hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa sa kanya noon ng Kapuso host.

“I accidentally bumped into you, minumura mo ako ng f*ck you, piece of shit, trash, etc.

“Kahit gaga ka madami kang issues na babae.

“At first kasi, I don’t know what’s going on pero kung makita kita ulit bugbog sarado harap mo sa akin, p******a mo!” anito.

Sagot ni Chynna, never niya itong gagawin at wala siyang natatandaang nangyaring ganu’n sa buong buhay at career niya bilang artista.

“As far as I remember there was no such incident.

“State the exact time, place, situation, and circumstance. Things that will hold up in court.

“Because if you were abused by a human being in such a way, that is something that should not have been handled with, as you say, a ‘next time. That would have been addressed then and there.

“Also, 0 posts, 0 followed by accounts with 0 followers.

“Ah GETS! Sayang time mo sa pagtanim ng seeds of hate sa mga tao na hindi takot gamitin ang boses para manindigan.

“Pero choice mo yan, e. Sige, God bless you. I know it’s hard being a troll,” panunupalpal pa niya sa basher.