MAY pa-tribute ang aktres na si Ryza Cenon sa tatay ng anak niyang cinematographer na si Miguel Cruz.

Pinasalamatan ni Ryza ang kanyang boyfriend sa lahat ng ginagawa nitong suporta at sakripisyo para tiyaking maayos ang pagbubuntis niya.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ryza ng litrato nila ni Miguel at inisa-isa ang mga bagay na ipinagpapasalamat niya rito lalo na sa pag-aalaga sa kanya at sa kanilang magiging baby.

“Dada thank you for everything. Sa mahabang pasensya sa mood ko. At sa support mo sakin and lalo na sa love na binibigay mo samin ni baby boy,” caption ni Ryza sa IG post.

“We’re lucky to have you. Super responsible mo sa lahat, kahit napaka busy mo sa work lagi kang andyan para samin. Thank you so much. We love you dada,” dugtong pa niya.

Last month, #shookt ang mga fans at social media followers ng aktres nang aminin niya sa madlang pipol na buntis siya. Naging tahimik si Ryza tungkol sa kanyang lovelife para iwas intriga at tsismis.

Sa ngayon, mahigit five months nang pregnant ang dating Kapuso star at nakatakda nang manganak sa November.

* * *

Usapang buntis pa rin, any moment naman ay manganganak na si Coleen Garcia.

Ipinasilip pa ng misis ni Billy Crawford sa kanyang Instagram followers ang bilog na bilog niyang baby bump.

Suot ang blue and black two-piece bikini, proud na ibinalita ni Coleen na nine months na ang ipinagbubuntis niyang baby.

Sa huling IG post ng aktres ay makikitang nasa The Farm at San Benito resort siya. Aniya sa caption, “Finally had some much-needed fresh air and R&R in one of my favorite places!”

Sa isa pang photo ito naman ang inilagay niyang message, “Got to try the Arugang Buntis (prenatal massage) at @thefarmatsanbenito, along with a relaxing steam inhalation treatment, and I’m feeling refreshed and restored.

“@billycrawford and I also got to try the @europeanwellnessretreat #Biomedscan, and it confirmed that my body is under a lot of stress right now since I’m quite far along in my pregnancy (so much so that it reflected that Billy and I are the same biological age! He’s still bragging about that lol).

“God has blessed me with an overall smooth, healthy, happy pregnancy, but these days my body (mostly my back) is definitely starting to feel the fatigue, heaviness, and discomfort, so I’m really happy that we got to take some time away to relax and de-stress.

“Focusing on our wellness and getting some extra pampering, while we still have all the time!”

Last June, sa pamamagitan ng isang online gender reveal party ibinalita nina Billy at Coleen na baby boy ang kanilang magiging panganay.