DAHIL sa mga pagkakataong nag-aaway sila, naisip na rin ni Luis Manzano na hiwalayan ang girlfriend na si Jessy Mendiola.

 

Ito ang diretsahang inamin ng TV host-actor sa mismong vlog ni Jessy na mapapanood na ngayon sa YouTube channel ng dalaga.

Dito harapang nagtanungan at nagsagutan ang magdyowa sa kanilang “heart-to-heart talk” tungkol sa naging journey nila bilang celebrity couple na nakaranas din ng matinding pamba-bash mula sa netizens.

Ayon sa binata, natural lang sa magkasintahan ang magkaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan dahil sa mga bagay na hindi napagkakasunduan.

“Lahat naman tayo may mga matitinding away. It’s not always lambing.

“Umaabot naman tayo sa point na baka nga, you’re meant to be on separate paths. Not necessarily naman na different partners agad-agad,” pahayag ni Luis.

Dagdag pa niya, “Nalalampasan naman iyon. Darating naman diyan ‘yong maikli talaga ‘yong pasensiya niyo.

“It’s okay to think of those things pero kailangan babalikan mo rin ‘yong thought kasi kung why you’re in a relationship,” lahad pa ng binata.

Samantala, napaamin din si Jessy sa harap ni Luis na nagduda rin siya noon nang sabihan siya ng boyfriend na pakakasalan siya nito.

“It’s more of like, darating talaga sa point na, ‘Will it happen kaya? Totoo kaya ‘yong sinasabi niya.'”

“Lahat naman tayo may trust issues din. Susuntok tayo kaunti ng doubts. It’s a normal thing,” sey pa ni Jessy.

Apat na taon nang magkarelasyon ang dalawa at pareho nilang ipinagdarasal na sana’y sila na nga ang itinadhana para sa isa’t isa.