Nahuli na ang mga scammer ng face shield na nang-scam ng mahigit sa P2.3 Million sa nabiktima nilang taga Pangasinan.

 

Dahil sa pandemya ay naging mabenta ang faceshield dahil ito ang kagamitan upang maiwasan ang hawa ng virus kaya ito ang ginawang paraan ng mga scammer upang makapanloko ng tao.

Mag-aalok sila ng faceshield sa online at kapag nagbayad kana ay agad ka nilang iba-block kaya di na mahahabol ang pera mong ibinayad.

Ito ang kabuuang Post sa isang FB Page,

Nahuli na po yung mga scammer ng face shield, sila po yung nambiktima sa taga Pangasinan na mahigit 2.3 million, Grabe kayo! kahit may pandemya at krisis hindi kayo naawa sa kapwa! kaya eto ang karma nyo! sa mga nabiktima pa po nitong mga 'to.. pwede pa kayong mag file ng reklamo sa MPD THEFT AND ROBBERY SECTION.