MAINIT na pinagtatalunan ngayon ng mga Instagram followers ni KC Concepcion ang latest paandar niya sa social media.

 

Nag-post kasi ng ilang bagong litrato ang singer-actress sa kanyang IG account at isa nga sa mga rito ang nakatawag-pansin sa mga netizens.

Ito yung makikita n’yo sa page na ito kung saan sa unang tingin ay aakalain mong nag-hello ang kanang bahagi ng dibdib ni KC.

Ngunit kung titingnan mong mabuti at kung isu-zoom mo ang nasabing photo, parang braso lamang ito ni KC na nagmukha lang boobs dahil sa suot niyang tila pajama na nakabukas ang pang-itaas.

At dahil nga riyan, kanya-kanyang comments ang mga netizens base sa kanilang pagtingin at “pag-iimbestiga” sa litrato. (Parang SOCO lang, di ba? Ha-hahaha!)

Narito ang ilang reaksyon ng IG followers ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion tungkol sa “misteryosong” dibdib ng dalaga.

“OK na sana yung suot balot na balot kaya lang may nakalimutang isara.”

“Wow no bra challenge please please!”

“Ganda nyo po talaga ma’am. Suso mo ba yun or braso?”

“Mag porn star ka na lang. Puro ka ganyan. Ipakita mo nang buo. Langya.”

“Optical illusion. Braso nya po yan para sa mga nagzu zoom dyan.”

“ARM nya po yan. Sa mga namba bash tignan po munang mabuti.”

“My God. Alam mo ang itsura mo dyan bago mo inupload yan. Gustung-gusto mong magpapansin at pinag uusapan yang suso mo. Mahiya ka naman sa magulang mo.”

“Masyado ang mga comments. Lahat na lang pinapansin nyo kay KC. Hindi nyo ba nakikita kung gaano siya kabuting tao. My gadddd!” 

Kung matatandaan, naging hot topic na rin ang pagpapasilip ni KC ng kanyang boobs nang sumalang siya sa Facebook Live ng Cornerstone TV (CSTV). Ang Cornerstone ang tumatayong  talent management ni KC  ngayon.

Habang nakikipagchikahan sa mga manonood, talagang agaw-eksena ang naghe-hello niyang dibdib dahil sa suot niyang blouse with spaghetti straps na napakababa ng neckline.

   “Why do wear such clothes on cam???  Lumuluwa na boobs mo.”

     “Kaloka. Naka live  nakabuyangyang naman ang hinaharap. Di nahiya.”

    “Umayos ka na muntik mo nang ipinakita ang papaya mo noong nag-message ka for the frontliners. Hindi  nag match sa sinuot mong halos makita ang kaluluwa mo.”

Yan ang ilan sa comments ng netizens.

Umani rin ng samu’t saring reaksyon ang nakaraang post ni KC sa IG kung saan nakasuot siya ng swimwear at kitang-kita ang kanyang pwet.

Ito lang ang naging hirit sa kanila ni KC, “It’s the new normal.”