NANGGAGALAITI sa galit si Pokwang dahil sa latest vlog ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Baninay Bautista.

Kinumpirma ng vlogger sa kanyang YouTube video na nagpositibo siya sa COVID-19. Pero sa halip na makisimpatya sa pinagdaanan ni Baninay, matinding takot at galit ang naramdaman ni Pokey.

Sa kanyang Twitter posts, pinagalitan ng komedyana si Baninay dahil hindi nito sinabi agad na late upload ang kanyang vlog.

 

Dahil daw dito, inatake siya ng matinding nerbiyos pati na ang mga kasamahan niya sa programang “Fill In The Bank”, ang bagong game show nila ni Jose Manalo sa TV5 kung saan nag-guest si Baninay.

 “Dahil sa vlog mo nag panic kmi potah ka! e late upload naman yan at negative naman result mo last aug. 2!!

“Wag mong gawin pagkaperahan yang nag ka covid ka may nalalaman kapa na update update sa mga ganap sayo e negative na nga diba?” unang tweet ni Pokey.

Sa nasabing vlog, inamin ni Baninay na July 16 siya nagpa-test at in-upload niya ang video nitong Aug. 18, meaning magaling na nga siya sa COVID-19.

Kaya ang sabi ni Pokwang, “Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2??

“July 21 ka nagkasakit tapos aug.2 ok kana negative kana! Aug.16 naglaro ka samin nagpanic kmi kanina dahil di mo sinabi sa vlog mo na late upload nayan! pa trending ka!”

“Hindi mo alam ang panic na ginawa mo samin Baninay! May anak ako at nanay na 80yrs old!

“Sana sinabi mo agad sa vlog mo na nag negative kana last aug.2 dahil aug.16 nag guest ka sa gameshow!

“Hindi mo alam pakiramdam ng isang ina na sobrang nag aalala sa ganitong pandemic!” ang sunud-sunod pang tweet ni Pokwang.

Samantala, sinagot naman ng boyfriend ni Baninay ang mga naging pahayag ni Pokwang. Ani Bont Bryan Oropel bakit daw kailangan pa nitong mag-post kung alam niyang negative na si Baninay.

“Alam nyo naman po pala na negative na sya ng august 2 sa swab at rapid test sa show nyo bakit kailangan pa po magtweet ng hate? Pasa san? Di nyo din po alam ang pinagdadaanan namin. Sana po kinausap nyo kami maayos. Nakikipagusap po kami ng maayos sa prod nyo!” anito.

Sagot ni Pokwang, “Nalaman ko ngayong umaga lang kung di pa sya tinanong ng mga staff dahil may mga nakapanood na ng vlog nya! kaya sa takot ko umiyak ako at nag panic.

“Nauunawaan mo ba na may 2yrs old akong anak at 80 edad na nanay!??? Hindi nyo alam pakiramdam ng isang ina!

“Mauunawaan nyo lang ako kapag mga magulang na kayo at may mga anak at pamilya na pinoproteksyunan lalo na sa ilalim ng pandemic na ito. #BeResponsible.”