WALONG buwan nang walang trabaho si Megastar Sharon Cuneta kaya halos puro palabas ang daloy ng pera sa kanyang kaban.


 

Bukod sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang kabuhayan, dumagdag pa sa problema ni Sharon at ng iba pang Kapamilya stars ang tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

Dahil dito, aminado ang award-winning singer-actress na nagbebenta na siya ng mga properties para makabawi kahit paano sa mga nawala niyang trabaho.

Sa latest vlog ni Mega sa The Sharon Cuneta Network nai-share ng aktres ang pangongolekta niya ng mga gamit at properties na tumataas ang value.

Ayon kay Shawie, napakaraming nasayang na proyekto na nakatakda sana niyang gawin ngayong taon. Bukod sa pelikula nakansela rin ang kanyang concert at corporate shows.

“Like wala akong trabaho ng walong buwan na. I lost two concert tours, one with Regine (Velasquez) and one in Australia by myself.

“This year, I would’ve been shooting my third movie by this time for the year kung hindi nagka-COVID. At meron akong corporate shows na sunod-sunod. Mga lima yata naka-lineup na hindi natuloy. Ang dami na po nawala,” lahad ni Sharon sa kanyang YouTube vlog.

Aniya pa, “Pero sa awa ng Diyos, I was able to sell real estate just before last year ended and that is why I’m okay and nakakatulong. And I’m selling properties.”

Hirit pa ni Mega, “‘Yan ang ganda ng pag-iinvest. Kasi alam ko kung kailan ako pwede gumastos para ma-enjoy ko ‘yung pera because I don’t like money to rule me.

“I like to enjoy money. And I love money. You know why? Because I am the master of my money. Money is not my master. It never will be,” paniniguro pa ng movie queen.