MAGKA-LIVE in na nga ba si Kris Bernal at ang fiancé niyang businessman na si Perry Choi?

Yan ang tanong ng ilang netizens sa Kapuso actress matapos kumalat ang chika na madalas na raw makita si Perry sa bahay niya.

 

Tatlong taon nang magdyowa ang dalawa at last February ay nag-propose na rin ang negosyante at chef kay Kris kaya marami ang nag-iisip na baka nga nagsasama na sila sa iisang bubong.

Bukod pa diyan ang pagiging magkasosyo nila sa mga negosyo na naapektuhan din ng pandemya at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabawi.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post si Kris ng ilang litrato ni Perry habang nasa harapan ng kanyang bahay.

Makikita ang chef na nakasuot ng face mask at face shield at naka-peace sign ang kaliwang kamay habang pinagdikit nila ni Kris ang dulo ng kanilang index fingers bilang pagbati sa isa’t isa.

At dito na nga nilinaw ni Kris ang issue ng live in. Aniya bagamat engaged na sila ni Perry ay wala sa plano nila ang magsama na sa isang bahay.

Sey ng aktres, mas gusto pa rin niya ang magpakasal muna sila ng boyfriend bago tumira sa iisang bubong.

“To those who are asking…Though we’re already engaged we’re not yet living under the same roof. Uhmmm. It’s our choice,” ani Kris.

Dagdag pa ni Kris sa kanyang caption, “STILL NO HUGS, NO KISSES, AND PRACTICING SOCIAL DISTANCING.”

Sa isang panayam, sinabi ng Kapuso actress na sa 2021 nila planong magpakasal ni Perry. Nais daw muna nilang makapagpatayo ng sariling bahay bago ikasal.