MATAPOS ibalita sa madlang pipol na may breast cancer ang kanyang lola, tinupad agad ni Xian Lim ang isang wish nito. 


 

Emosyonal na ibinahagi ng aktor ang pinagdaraanan ng kanyang pamilya matapos mabatid ang sakit ng lola niya na sasailalim sa mastectomy procedure para tanggalin ang isa nitong dibdib.

Sinabi ni Xian na kailangan nilang ipa-admit ang lola niyang si Ginang Leonie, 87 years old sa ospital, “So, today’s a different type of day…we are bringing my lola to the hospital.

“I think the procedure is called mastectomy, where they have to remove, I guess, her left or right breast, because they found cancer. So my grandma has cancer right now,” lahad ng aktor.

Sa bagong Instagram post ng binata, ibinahagi niya na sinimulan na niya ang paggawa sa bagong room sa bahay nila na request mismo ni lola.

“After going to the hospital to check up on my grandmother’s operation, I’m now building/ setting up a new room she requested sa bahay,” ani Xian.

Balak daw ng lola niya na punuin ng clowns at figurines ang kwarto, lalo ng mga “witch” at “rooster.”

“Don’t ask why… It’s been her thing ever since I can remember… Oh, and ventriloquist puppets daw as well because it makes her happy,” sabi pa ni Xian sa caption.

Sa Facebook video ng aktor, sinabi nitong marami raw siyang na-realize matapos malamang may sakit ang lola niya.

“If you have a moment of your time right now just go to your mom, your dad, your grandpa, your lola and say I love you to them. Enjoy them while they are still around.

“She’s still around. Malakas pa naman siya. It’s just that, you know, may mga uncertainties in life and there are moments na hindi talaga natin nako-control.

“So, don’t take time for granted. Love your parents, love your grandparents ’cause all the money in the world, all the things that you have, wala ‘yang laban sa time.

“So, just please reach out to your family now and just give them a hug and say I love you to them,” paalala pa niya sa publiko.