GRABE pala talaga ang koleksyon ng mga branded na relo ng Megastar na si Sharon Cuneta!

Siguradong milyun-milyon ang halaga ng mga mamahaling relo na nabili niya at iniregalo ng mga taong malapit sa kanya.

 “Yeah, I’m a big watch collector. Guilty, guilty,” ang simulang pahayag ni Sharon sa latest vlog niya sa YouTube kung saan isa-isa niyang ipinakita ang kanyang bonggang-bonggang watch collection.

Una niyang ipinakita ang 1950s Omega watch na minana niya mula sa yumaong amang si Mayor Pablo Cuneta.

In-explainp pa ni Sharon kung bakit Rolex ang dial ng pag-aaring antique Omega watch, “Noong nasira po, pinilit kong magpahanap ng face niya, yung dial. Wala na pong mahanap. But we were able to find a Rolex na kapalit.

“But what’s important is it’s my mom’s and it’s with me. And it came from my dad,” esplika pa niya.

Bigay din ng tatay niya ang 1970s  Corum, na isa ring Swiss brand, noong nasa elementarya pa lamang siya.

“This is the very first watch that my father game me, and he didn’t tell me it was precious. He gave this to me when I was in fourth grade and it iaa Corum, a solid gold Corum with a diamond in each corner.

Ang kauna-unahan naman daw niyang biniling mamahaling Rolex ay ang 1986 Datejust, idagdag pa ang Cartier Ballon Bleu at Cartier Santos.

“This is the first Rolez I was able to buy. So, ganyan po, dahan-dahan, pa-upgrade nang pa-upgrade,” chika pa ni Mega.

Isa pa sa ipinakita ni Sharon ay ang kanyang pink Rolex Daytona with a mother of pearl dial, and a gold Piaget Polo. Aniya, gandang-ganda nga raw dito ang award-winning actor na si Christopher de Leon.

“In ‘Madrasta’, I wore this in the ending of the movie. Remember when Christopher and I kissed? Among all my watches, this was the one that Christopher noticed.

“He said, ‘Ganda niyan, ano yan? I said, ‘It’s a Piaget. I love it,” lahad pa ni Mega.

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni Sharon na iniaalay niya sa mga bashers ang kanyang vlog.

“This is my collection, part of it. That’s not to brag, that’s the truth and that’s my life. And so I’ve shown you some sentimental pieces and why they’re important, and some just because I love them.

“So, bashers, this is dedicated to you. Because it all started with my famous…yung Rolez watch na gold na ipinost ko sa Instagram. Aba’y nilubos na namin. Kaya para po sa inyo ito.

“Ayan marami kayong iba-bash. You make my life more rainbow-colored,” pahayag pa ni Sharon.